Francisco Balagtas y de la Cruz;
Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788–20 Pebrero 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa panitikang Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang kanyang pinakakilalang obra maestra.
Unang mga taon
Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan (ngayon ay Balagtas).Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil. Rochelle Sagaoinit
Buhay bilang isang manunulat[baguhi
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.
Trabaho at Pamilya[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.
Huling mga Araw[baguhin | baguhin ang batayan]
Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak noong 20 Pebrero 1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.
Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap upang malagpasan ang mga ito, ang pumanday sa kaniya upang maging isang mabisa at matagumpay na makata.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento